Ilang araw mula ngayon ako sana ay abala sa pag-iisip ng natatanging bagay na sa iyo ay magpapaligaya.
Ang araw na tayo ay nanuod ng pelikulang pinamagatang "Real Steel".
Ang puso ko ay hindi naging singtigas ng bakal na ito, at wala akong nasabi kundi "OO".
Bilang kapalit, ang iyong labi sa aking palad ay pumagkit.
Ang bawat kilos ay dikta lamang ng pagkakataon at hindi ng tinatawag nila sa Ingles na "Affection".
Alam ko at alam mo na ang simula ay may katapusan lalo na at ang ating puso ay walang unawaan.
Kailan nga ba tayo huling nag-text? Kailan tayo nagtanungan ng kamusta? Hindi nga ba't kay tagal na.
Walang unawaan ngunit alam natin parehong iyon na ang katapusan.
Hindi na kailangan pa ng mahabang usapan, hindi na rin kailangan na sa atin ay harapang ipaalam na ang relasyong walang pag-ibig at malalim na damdamin ay hindi kailanman magtatagal.
Ngunit tila ba ikaw ay isang bata, ang sabi nga nila "kung umarte ka para kang teenager".
Sa dalawang pagkakataon na sinubukan mong ma-contact ang number ko na wala kang intensyong hintaying masagot ko natatawa na lang ako.
Dalawang bagay ang sa isip ko ay dumalaw:
1. Sinukan mong i-dial ang number ko para malaman na active pa ang number ko. Pero para ano?
2. Sinubukan ng bagong girlfriend mo na i-dial ang number ko para malaman kung ano ang magiging reaction ko. Matuwa ka binibini pagkat ang dilag na ito sa iyong eskorte ay wala ng paghahangad.
Ang ganitong aktuwasyon para sa aking ay matatawag kong... KARUWAGAN.
Bakit hindi mo subukang harapin kung ano ang katotohanan at itanong mo ang iyong nais malaman?
At hindi lahat ng babae ay nagkakaloob ng kanilang sarili sa lalakeng hindi hinihintay ang basbas ng pagkakasal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento