Miyerkules, Agosto 21, 2013

Babala...

Matindi ang naging epekto hindi man direkta ng bagyong "Maring" kundi ang nahatak n'yang si Hanging Habagat. Katulad ng nakaraang ginawa n'ya, pinaapaw n'ya ang mga ilog at nagbagsak ng pagkarami-raming ulan.

Photo credit: Inquirer

Maraming lugar sa Pilipinas ang naapektuhan kahit hindi direktang tinamaan ng bagyo.

At narinig ko ang kwento ni Lot. Natatandaan n'yo pa ba ang pangyayari kay Lot mula sa Biblia?

Hmmm.... 'yung istorya na nagpadala ng dalawang anghel ang Panginoong Diyos para babalaan at iligtas si Lot.

Binabalaan ni Lot ang mga manugang n'ya tungkol sa mensahe ng dalawang Anghel pero inakala nilang biro lang ito.

Kinaladkad pa si Lot ng dalawang Anghel para mailigtas, kasama ng kanyang dalawang anak at kanyang asawa.

Nang mailabas na sila sa bayan ng Sodom and Gomorrah ay sinabihan silang magmadali at 'wag lilingon.

Sa katigasan ng ulo ng asawa ni Lot dahil na rin sa pag-aalala sa mga naiwang kabuhayan, lumingon s'ya at naging haliging asin.

Ang dapat matutunan hindi lang ng mga Pilipino kundi ng lahat ay ito:

1. Matutong Makinig.
Dapat marunong tayong makinig sa mga babala. Madalas sabihin na ang P.A.G.A.S.A. ay walang pag-asa o hopeless pero sa marami ding pagkakataon na hindi tayo nakinig ay duon tayo napapahamak. Gaya ng mga manugang ni Lot na hindi nakinig na tinuring na biro lang ang babala. Kahit ano pa ang sabihin, nanatiling sila ang eksperto sa kalagayan ng panahon at pandalas na nagpapalabas din ang gobyerno ng mga advisories lalo na kapag may mga ganitong kalamidad. Matuto tayong makinig sa mga panawagan ng paglikas.

2. Matutong Sumunod.
Gaya ng asawa ni Lot na hindi sumunod sa tagubilin na "Huwag kayong lilingon" kaya ang dinulot ay kapahamakan. Karamihan sa mga na-interview na mga kababayan natin ay hindi lumilikas bagama't binababalaan na sila. Ang katwiran ng ilan ay sanay na daw sila, lagi naman daw ganoon pero ayos pa rin naman sila, ang ilan naman ay sinasabing hindi nila maiwan ang mga ari-arian nila.Bagamat may mga paalala ay hindi sila sumusunod.

3. Pahalagahan ang Buhay higit sa Kabuhayan.
Gaya ng paglingon ng asawa ni  Lot sa pag-alaala n'ya sa kanilang kinabuhayan napahamak s'ya. Anumang bagay na pinaghirapan natin hindi na natin mapapakinabangan kapag patay na tayo. Kaya dapat mas pahalagahan natin ang buhay higit sa ano pa man.

Higit sa lahat dapat maging matatag tayo at laging manalangin.

Sa mga nasalanta...Please be strong....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento