At dahil walang kaperahan, naisip kong magluto ng tipid ^_^
As in swak sa budget.
Image from wikipedia
Bumili si Mama ng santol, ang sabi n'ya Php10.00 daw ang kada kilo nito sa may kanto sa amin.
Hatiin ito sa gitna, alisin ang mga buto at gagadgarin. Ginamit ko ang kudkuran ng niyog sa paggadgad ng laman ng santol. Ito ang itsura niya.
Larawan ng santol na napigaan na
Kailangang ibabad sa tubig na may asin at pigaan. Banlawan ng tubig at pigaan para mawala ang asim.
Dahil wala kaming pambili ng LPG, dahil sa hayagang pagtaas ng presyo nito. Maging uling ay wala na kong mapiga sa pitaka ko kaya naisipan kong lutuin ito sa rice cooker.
sibuyas na hiniwa
Igisa ang sibuyas hanggang maging transluscent na ang kulay nito.Ilagay ang sardinas:
Ang bongga, may Omega 3
Dapat may paminta 'to eh, pero dahil wala na kong pambili hindi ko na nalagyan.
Sunod na ilagay ang pinagaang santol:
Haluin para pantay ang pagkakagisa.
Ilagay ang gata:
Nagkamali ng bili ang kapatid ko kaya pinahabol na lang ang naka-pack na Gata na mabibili sa mga grocery stores o sa suking tindahan. Para sa'ken iba pa rin ang sariwang gata. Lagyan na din ng asin para lumasa.
Hayaang kumulo ng 10 hanggang 15 minuto. Haluin kung kinakailangan para hindi makurta at dumikit.
Iba pala kapag sa rice cooker nagluto, parang may bulkang nag-aalburuto:
Kita n'yo ba ang tilamsik sa pader? Napagpasyahan kong takpan ito kasi 'yung talsik umabot na sa mukha ko ^_^.
Ang palatandaan ko na luto na s'ya eh 'pag tila ba nagmamantika na:
Ang kabuuang gugol sa lutuing ito ay:
santol - Php10.00
sibuyas - Php1.00
sardinas - Php15.00
gata (sariwa) - Php10.00
gata (pack) - Php15.00
asin - Php1.00
Kabuuang halaga : Php52.00
Para sa inyong kaalaman, ito ay umabot pa sa aming tanghalian kinabukasan. Lima kaming kumain. Mula hapunan hanggang tanghalian kinabukasan, pumapatak na Php26/meal good for 5 persons ang recipe na ito.
Kaya naisipan ko din i-suggest ito para sa aming COOK FEST ngayong darating na Linggo, Hulyo 28 na may temang "Power of 50".
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento