Miyerkules, Setyembre 4, 2013

Tipid na Ulam 2

I still got a terrible problem with  my g-accounts... this is the reason why I didn't post anything for awhile.

I am not really happy about it.

I'm not here for my sentiments, I just wanted to share the viand that I believe could help those who are in tight budget ^_^

Kung ikaw ang sumusuporta sa pangangailangan ng pamilya at nagpapa-aral, ang gastusin ay...NAKAKALOKA!

Sa ngayon napansin ko hindi pa din nagbabago ang presyo ng pechay, as of today September 5, 2013 nanatiling Php5.00 ang presyo nito.

Pasarapin natin ang gulay na ito.

Kung may nakatago kang harina sa bahay, pwede mong gamitin ito pero pwede din namang hindi.

Kung tawagin namin ito ay Pechay Tempura. Mula sa titulo alam kong may idea na kayo.

Batihin ang itlog at lagyan ito ng asin para lumasa. Maari rin namang dagdagan ng harina.
I-dip o i-sawsaw ang dahon ng pechay tulad ng nasa larawan:

At i-prito sa kumukulong mantika:
 
Paalala lamang, madaling maluto ang mga gulay kaya 'wag sana tayong malibang kung ayaw nating matusta ang ating gulay.

At...
 
Ang masarap na partner nito ay ang manamis-namis na toyo na mejo maanghang.

Pero na ibinaon ko s'ya, ang partner n'ya ay... ADOBONG ITLOG!

 


Oo, tama nga, adobo pero itlog lang. Walang karne. Hmmm...tipid na din 'di ba? May sawsawan na para sa pechay tempura may itlog pang source of protein.

Ang nagastos ko para dito ay:

2 tali ng pechay - Php10.00
3 itlog                - Php14.00 (Php14/3pcs)
Harina                - Php5.00 (optional)
Mantika             - Php8.00

Ang suma total ng nagastos ko ay Php37.00 para sa limang (5) tao.

Hmmm... kung ang adobong itlog naman ay ito:

3 itlog               - Php14.00 (Php14/3pcs)
toyo                  -Php3.00
suka                  -Php3.00
sibuyas             -Php1.00

Ang kabuuang halaga ay Php21.00 para sa tatlong tao. Mainam din ang lasa kung ang gagamitin ay kalamansi sa halip na suka at para manamis-namis ay lagyan ito ng asukal.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento