Huwebes, Oktubre 31, 2013

Baguio City, Me Time...(Part 1)

"Ma, alis na 'ko..." sa magkahalong kaba at excitement ay halos patakbo akong naglakad palabas ng bahay.

Bagama't pagod dahil sa stress na dulot ng hapong nagdaan, pilit kong tinago ang gumuguhit na ngiti sa aking labi.
Mabilis ang kabog ng aking dibdib, nalilito na 'ko kung dahil ba sa natatakot ako o hindi ko mapigilan ang saya na sa unang pagkakataon magagawa ko ang bagay na gusto ko ng mag-isa.

Matapos matulungan ang magandang babae sa ulatan ay sumibat na akong papunta sa sakayan ng tricycle.
Hindi ako makakain, bunga ng halo-halong emosyon kaya bumili na lang ako ng siopao at malamig na maiinom.

Naghintay ng may ilang minuto ngunit hindi aabot ng isang oras. "Kuya dadaan po ba kayo ng Victory Liner?"
"Wala naman tayong ibang dadaanan kundi Cubao", sabay ngiting sagot ng kundoktor.
Basag! :)

Hindi ko magawang umidlip habang nasa byahe.
Tangan ang isang bag na hiram ko kay Bunso. Kinain ko ang bili kong siopao. Parang hindi pa rin ako gutom, pero kailangan kong kumain. Malayo-layo pa ang byahe.

"O, Miss Victory Liner na," sabi ng kundoktor.

"Tumawid ka dyan sa over pass, pagtawid mo lakad ka ng konti 'yun na 'yon," ang pagbibigay-alam ng driver. Hindi ko masabing alam ko na kung ano ang gagawin ko dahil dati ng nakapunta ako dito, sa halip ay sumagot ako ng "Maraming salamat po mga kuya" sabay baba.

10:53PM ng maitapak ko ang aking mga paa sa tapat ng Victory Liner.
Agad kong binuksan ang aking bag para sa inspection ng gwardiya.
Pumila upang magbayad ng ticket.

'"Yan pong bus na nasa tapat ang byahe pa-Baguio ng 11:00PM. D'yan po kayo sumakay", ang magalang na sabi sa aking ng teller.

10:58PM ng umandar na ang makina ng bus bilang hudyat na magsisimula na ang aming mahabang byahe.

Pagising-gising ako tuwing hihinto ang bus dahil iniisip kong baka may umupo na sa tabi ko, ngunit hanggang sa masilayan ko ang mala-bituing nagkikinangang mga ilaw ay wala akong katabi.
4:54AM ng masilayan ko ang tila ba mga talang isinaboy sa tuktok ng matayog na bundok. Napunit ang malapad na ngiti sa aking mga labi pagkat alam kong ako ay nasa Baguio na. Kumabog ang dibdib ko dala ng excitement dahil ilang sandali na lamang ay tatapak na ang mga paa ko sa lupain kung tawagin ko ay Happy Land.

5:07AM ng ganap kong maitapak ang aking mga paa sa lupain matagal ko ng gustong balikan.

Hinahanap ng aking sikmura ang mainit na inumin, ngunit sa aking pagkabigo ay wala nito sa terminal.

Lumabas ako ng terminal, naglakad ng konti. Hanggang makita ko ang isang convenient store. Tamang-tama dahil lowbat na ang battery ng cellphone ko. Walang mainit na tubig kaya nagtiyaga ako sa pagkain ng doughnut. Kumain ako habang nagtsa-charge.

Bigla ang kabang aking naramdaman ng pagsilip ko sa labas ay magbubukang liwayway na.
Sa mabilisang paglakad ay tinungo ko ang taxi na nakita ko at nakisuyong ihatid ako sa Mine's View Park.

Ganap na 6:04AM ng bumaba ako ng taxi. Maliwanag na kaya lalo ko pang binilisan ang aking mga hakbang. Alam kong nababadha sa aking mukha ang pag-aalala na hindi ko masilayan ang pagsikat ng haring araw.

Ngunit napawi ang lahat ng ang mga ito ay aking nakita:
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828315212654&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828355212650&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828408545978&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828481879304&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828621879290&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828658545953&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater

Pasensya na po sa inyo pero talagang hindi na kayang makapag-upload ng mga pictures...



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento