Huwebes, Hunyo 6, 2013

Bigay Buhay

Ngayon ko lang nalamang mahal ko pala ang buhay ko simula ng panindigan kong gusto ko namang sumaya (drama?)
 
Alam kong walang taong magsasabing hindi mahalaga ang buhay, kahit na nga ang mga nagtatangkang magpakamatay 'pag nandun na sila sa moment na 'yun minsan umaatras pa 'di ba?
 
Anong connect???
 
Kung mahalaga ang buhay, bakit ang titulo eh "Bigay Buhay"?
 
Hindi ito istorya ng taong handang magpakamatay para sa iba, O.A. ah, kundi dahil dito:
 
Taun-taon hindi lang yata isang beses kundi maraming beses na nagsasagawa ang iba't-ibang organisasyon ng Blood Donation.
 
Ang iyong dugo kung ikaw ay magbibigay, maaaring mapunta sa Philippine Heart Center o Philippine Blood Center o sa Philippine Kidney Center o kung may iba pa doon 'to mapupunta.
 
Sa T.V. ko lang naman nakitang ang dugo ay napunta sa Bampira (corny).
 
Ika-1 ng Hunyo, napag-isip-isip kong bakit hindi ko subukang magbigay ng dugo. Marami daw mga benepisyo ang pagbibigay ng dugo, bukod sa pagiging mabuting tao na nagkakawang-gawa ay may mga health benefits daw ito. Nakakabata din daw kapag nagbigay ka ng dugo, o kaya naman ang namumutok mong mga pimples ay unti-unting mawawala ang kikinis kang bigla. Oh taray!
 
Sumama ako sa mga magbibigay ng dugo, Hunyo 1 ang takdang araw.
 
7:30PM kami umalis papunta ng New Era, Dasmariñas, Cavite. Taun-taong may ganitong programa doon.
 
Sa sobrang excited ng lola n'yo eh hindi ako nakakuha ng litrato ng mga pangyayari doon.
 
Pagpasok ng covered court, kailangan magpa-register muna. Matapos nito, umupo kami sa gilid para mag-fill up ng form ng binigay ng staff nila.
 
 
 
Nagulat akong marami palang may gustong makunan ng dugo, mga bibo ^_^
 
Matapos mag-fill up, pumila na kami para sa assessment.
 
 Kailangan malaman nila ang B.P. ng donor, maging ang timbang nito.
 
 
 
Ang timbang na kailangang meron ka ay mula 50kilo pataas. Kung hindi ay hindi ka pupwedeng mag-donate.
 
Natuwa ako ng makita ko sa timbangang kulay dilaw, na ang itsura ay tulad ng mga timbangang nakikita natin sa mga centers, 50 kilos ako ^__________^
 
Matapos nito, kailangang umupo sa gilid bilang pagpila para sa susunod pang assessment. Dito nakita kong parang ini-interview ang mga gustong magbahagi ng kanilang dugo.
 
Kailangang matyagang maghintay dahil sa dami ng tao.
 
At ng ako na, tiningnan akong mabuti ng Doctor. Tinanong kung aling timbangan ang ginamit sa pagkuha ng bigat ko, sabi ko "duon po sa kulay dilaw na timbangan".
 
"Hindi dun sa glass na timbangan?" tanong niya.
 
"Ay, hindi po duon", sagot ko.
 
"O sige patimbang ka uli, duon sa glass ah".
 
Ang glass na timbangan tinutukoy nya eh parang mejo babasaging bowl na medyo flat. Pakiramdam ko mababasag s'ya anumang oras.
 
Nalungkot at nabigla ako sa nakita kong resulta "48.75"
 
T_T
 
"Alam mo ate, sa tagal ko na dito tingin ko lang eh alam ko kung pasado sa timbang o hindi", sabi ng Doctora.
 
Sayang naman....

Sana sa susunod pupwede na.


 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento