Ang bayan ng Indang ay matatagpuan sa probinsya ng Cavite. Bagama't maliit lamang ang nasabing bayan, nagsisimula na itong umunlad. Sa katunayan, isa sa mga nangungunang fastfood chain sa Pilipinas ang nagtayo na ng store nila dito.
Ang bayang ito ay nahahati sa 36 baranggay, kabilang na ang Banaba Cerca.
Ano naman ang kinalaman ng Banaba Cerca, Indang, Cavite sa titulong "Nature Caring Adventure;) ?"
Mahalaga ang lugar na ito sa nalalapit na programang "TREE PLANTING", na gaganapin ngayong Sabado na, Hunyo 6, 2013.
Isa sa mga nasa ika nga eh "bucket list" ko ay ang mag-enjoy habang tumutulong sa kalikasan. Mas gusto ko ang mga outdoor adventure dahil mas nabubusog ang mga mata ko at mas malaki ang pagkakataon ng pagkatuto kung ikaw ay nasa labas at nakakasalamuha ng iba't-ibang tao.
Ang pagkakaroon ng programang "TREE PLANTING" ay isang magandang pagkakataon para sa akin. Isa ito sa magbibigay ng check sa mga bagay na susuporta sa layunin kong mag-enjoy habang nakatutulong sa kalikasan.
Ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad ay may hatid na maraming positibong bagay:
1. Makatutulong ito hindi lamang sa pagbibigay lilim ngunit maging sa pagpapaganda sa kapaligiran
2. Isa rin sa benipisyo nito ay ang mabawasan ang stress na dulot ng araw-araw nating pamumuhay
3. Malaki ang maitutulong ng mga puno sa paglilinis ng hanging kailangan natin
4. Maiiwasan din ang mga pagbaha kung maraming puno na sisipsip sa tubig
5. Magkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng bagong kakilala
6. Mas tatatag ang samahan ng magkakasama
At marami pang iba.
Kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito, magiging KAISA ako sa aktibidad na ito.
Magkita-kita tayo sa Sabado ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento