Lunes, Hulyo 22, 2013

Ang Tipid na Ulam, Vow

Dahil wala akong magawa nitong weekend, naisipan kong magluto.
At dahil walang kaperahan, naisip kong magluto ng tipid ^_^
As in swak sa budget.

                                                             Image from wikipedia
Bumili si Mama ng santol, ang sabi n'ya Php10.00 daw ang kada kilo nito sa may kanto sa amin.
Hatiin ito sa gitna, alisin ang mga buto at gagadgarin. Ginamit ko ang kudkuran ng niyog sa paggadgad ng laman ng santol. Ito ang itsura niya.
Larawan ng santol na napigaan na

Kailangang ibabad sa tubig na may asin at pigaan. Banlawan ng tubig at pigaan para mawala ang asim.

Dahil wala kaming pambili ng LPG, dahil sa hayagang pagtaas ng presyo nito. Maging uling ay wala na kong mapiga sa pitaka ko kaya naisipan kong lutuin ito sa rice cooker.

sibuyas na hiniwa
Igisa ang sibuyas hanggang maging transluscent na ang kulay nito.

Ilagay ang sardinas:
Ang bongga, may Omega 3

Dapat may paminta 'to eh, pero dahil wala na kong pambili hindi ko na nalagyan.

Sunod na ilagay ang pinagaang santol:

Haluin para pantay ang pagkakagisa.


Ilagay ang gata:
Nagkamali ng bili ang kapatid ko kaya pinahabol na lang ang naka-pack na Gata na mabibili sa mga grocery stores o sa suking tindahan. Para sa'ken iba pa rin ang sariwang gata. Lagyan na din ng asin para lumasa.
Hayaang kumulo ng 10 hanggang 15 minuto. Haluin kung kinakailangan para hindi makurta at dumikit.

Iba pala kapag sa rice cooker nagluto, parang may bulkang nag-aalburuto:
Kita n'yo ba ang tilamsik sa pader? Napagpasyahan kong takpan ito kasi 'yung talsik umabot na sa mukha ko ^_^.

Ang palatandaan ko na luto na s'ya eh 'pag tila ba nagmamantika na:
Ang kabuuang gugol sa lutuing ito ay:

santol - Php10.00
sibuyas - Php1.00
sardinas - Php15.00
gata (sariwa) - Php10.00
gata (pack) - Php15.00
asin - Php1.00

Kabuuang halaga : Php52.00

Para sa inyong kaalaman, ito ay umabot pa sa aming tanghalian kinabukasan. Lima kaming kumain. Mula hapunan hanggang tanghalian kinabukasan, pumapatak na Php26/meal good for 5 persons ang recipe na ito.

Kaya naisipan ko din i-suggest ito para sa aming COOK FEST ngayong darating na Linggo, Hulyo 28 na may temang "Power of 50".









Lunes, Hulyo 15, 2013

Lesson Learned for the Day

Oh what a stressful day....

I have learned things today, and I found out that I really keep on doing the things that I feel I will be needing in the future.

I am not directly concerned about the matter but due to the work chain I am also liable.

I hope these pointers will help you, too:

* If your workmate said "Don't worry, I'm the one who'll handle it", don't believe.

Mostly, this will crash everyone of you. Make plan B and then follow up the next day. Don't just wait until he say, "Hey it's done and everything is alright and settled".

* Always put on note every events and discussion made.

I always do this, but recently there are some discussions that I didn't have the chance to take down and save, like telephone conversation.

Using the Notepad installed in you P.C.'s is very helpful. If you will press "F5" the date and time will appear. For me, as per taking down notes, it is very helpful. I don't have to type it manually, I just press it and automatically date and time will appear. I've learned this when I was still working in a call center. Thank you so much for my Supervisor who taught me the trick.

Really helpful especially if you have forgetful boss ;)

* Protect yourself so that you could protect the history for the benefit not only by yourself

Our boss usually say "You are just protecting yourself! What kind of!". But trust me, protecting yourself by presenting all the EVIDENCES like emails, and your notes. I usually attached the papers from Request for quotation until the Invoices and the email from the customer and my reply so that my boss could just read it and can tell what happened.

* In every request for quotation, include exactly what the customer requested; do not use your own interpretation or you'll might end up getting the wrong one
I'm not the one In-Charge of the quotation but I am connected, since I am the one placing the order, I should know. So, I also need to be keen in checking the customer's P.O. against our quotation.

I hope these could help you, too.

And...also I make sure that my files are all updated. This will help, too.

Huwebes, Hulyo 11, 2013

Height na lang ang Hindi Tumataas

Kagabi, matapos ang mahabang araw tulad ng nakagawian hawak ang remote control sabay lipat sa news (they're watching channel 41...sorry...).

Maugong ang balitang magtataas ang presyo ng bigas.
"Ah OK.....", sabi ko. Si Mama naman ang reaction ay "sige, itaas na nila lahat".

Kung mayaman lang kami, hindi namin iindahin ang Php1 kada kilo ng bigas.

At kamakailan lang tumaas din ang presyo ng langis 'di ba?

Ang kasunod ng yugtong ito ay... TAMA! Tataas din ang presyo ng mga bilihin, pero ang sweldo ng mga empleyado... KOREK! GANUN PA RIN!

Hindi maaaring itaas ang sweldo ng mga empleyado ng ganun-ganon na lang. Alam natin na maapektuhan din ang mga kumpanya, at 'pag naapektuhan sila at igigiit mong taasan ang sweldo ay baka wika nga ng mga beki "Ma-chugi ka" o masisante.
Mapupwersa silang magbawas ng mga tauhan kung igigiit ang pagtataas ng pasahod.

Lahat ay konektado hindi ba?
Ang presyo ng langis sa bansang Pilipinas ay nakadepende sa presyo ng langis sa merkado.
Ang presyo naman ng bigas ay naaapektuhan ng kalagayan ng panahon o sa dami ng bigas na mayroon tayo.
Ang dahilan ng pagtaas ng bigas ngayon bagama't may sapat daw tayong bigas ay dahil sa epekto ng nagdaang bagyo. Naapektuhan ang mga pananim at sabi din nila ay hindi ito ang panahon ng anihan.

Ang ibig sabihin pala nito ay... natural lang ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.

Ang isang bagay lang ang hindi na normal ang pagtaas ay... ang HEIGHT ^_^




Lunes, Hulyo 8, 2013

More Than Just a Tree Planting

Ang sarap gumising lalo na kung may makabuluhang bagay kang gagawin.

Araw ng Sabado, ika-6 ng Hulyo, nakahanda na ang sasakyang jeep na aming gagamitin para sa misyon namin ng araw na iyon.

Kasama ang aking ina at kapatid, maging ang iba pang mga kaibigan ay nagtungo kami sa bayan ng Indang sa Cavite.

Kasama ang kaibigang matagal ng nawalay, aming sinimulan ang paglalakbay para sa natatanging misyon ng araw na iyon.

Nagtitipon-tipon ang bawat isang makikilahok sa aktibidad na iyon:
Isa-isang dumampot ng mahiwagang sandata,

Ni hindi alintana ang kainitan ng araw. Tanging mababakas sa mga mukha ay ngiti, saya at kasiglahan sa iisang kabatirang may gagawin ang lahat na kapaki-pakinabang.
Habang abala sa paghahanda ay abala rin ang halos lahat sa pagkuha ng mga larawang magpapaalala sa tanging araw na maituturing na isang dakilang gawain hindi lamang sa sangkatauhan kundi para na rin sa Inang Kalikasan.

 Dama mong may kaisahan bagama't hindi magkakakilala, napansin kong nagngingitian kapag nagkakasalubungan.
Nakakahawa ang kasiglahan na pumapailanlang.

Ang sabi nga nila, ang lahat kaya mong gawin kapag gusto mo ang isang bagay. Kaya naman hindi alintana maging ng kababaihan kahit na lumusot pa sa ilalim ng bakod.

Ang daan pababa ng sapa ay madulas lalo na kung umuulan. Mabuti na lamang at maaraw ng umagang iyon.




Agad mong mapapansin ang malaking puno na ito na tila ba siya ang nakatalagang bumati sa mga taong parating.

Pinakiusapan ko ang aking nanay para makita kung gaano ito talaga kalaki:

Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng sapa.


At naghanap ng lugar kung saan maaring magtanim.

Ang paghuhukay ay tila madali lang kung iisipin. Ngunit kung dalawang patpat lamang ang iyong gamit ay may kahirapan. Kailangan ng pwersa kaya nakaramdam ng bahagyang pangangatog ang aking mga binti, dala marahil ng hindi nakakaranas ng ehersisyo.

At dumating ang sandali, na ang mumunting bagay na ito ay bibigyang layang lumago...


 


 Ang lahat ay abala sa kanilang pagtatanim.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Matapos naming magtanim, naisipan naming libutin ang lugar, tingnan kung ano pa ang gandang taglay ng lugar na ito.
 
 
Maganda ang lugar na ito, maraming mayayabong na mga puno, may malinis na tubig na kung saan maaaring ipanglaba o ipampaligo. Hindi nga lang maaring inumin dahil walang kasiguruhan ang kalinisan nito, hindi tulad ng bukal sa paanan ng bundok Talamitam sa Batangas kung saan doon kami kumuha ng aming iinumin nung umakyat kami : http://blognipoclay.blogspot.com/2013/05/conquer-mt-talamitam.html 
 
Mainam kung ang lugar na ito ay malilinis. 
 
Kakaiba ang ganda ng lugar at simoy ng hangin.
 
Nakakalungkot lang na nadadamay ang kalikasan sa kakulangan ng mga tao. 
 
Ngunit kailangan ng umuwi, ang misyon sa araw na ito ay magtanim. Sana sa susunod, ang magiging misyon naman ay ang kalinisan ng isang lugar, kung hindi man yamang lupa ay yamang tubig.
 
 


Hanggang sa susunod na aktibidad, magiging KAISA kami ;)