Kagabi, matapos ang mahabang araw tulad ng nakagawian hawak ang remote control sabay lipat sa news (they're watching channel 41...sorry...).
Maugong ang balitang magtataas ang presyo ng bigas.
"Ah OK.....", sabi ko. Si Mama naman ang reaction ay "sige, itaas na nila lahat".
Kung mayaman lang kami, hindi namin iindahin ang Php1 kada kilo ng bigas.
At kamakailan lang tumaas din ang presyo ng langis 'di ba?
Ang kasunod ng yugtong ito ay... TAMA! Tataas din ang presyo ng mga bilihin, pero ang sweldo ng mga empleyado... KOREK! GANUN PA RIN!
Hindi maaaring itaas ang sweldo ng mga empleyado ng ganun-ganon na lang. Alam natin na maapektuhan din ang mga kumpanya, at 'pag naapektuhan sila at igigiit mong taasan ang sweldo ay baka wika nga ng mga beki "Ma-chugi ka" o masisante.
Mapupwersa silang magbawas ng mga tauhan kung igigiit ang pagtataas ng pasahod.
Lahat ay konektado hindi ba?
Ang presyo ng langis sa bansang Pilipinas ay nakadepende sa presyo ng langis sa merkado.
Ang presyo naman ng bigas ay naaapektuhan ng kalagayan ng panahon o sa dami ng bigas na mayroon tayo.
Ang dahilan ng pagtaas ng bigas ngayon bagama't may sapat daw tayong bigas ay dahil sa epekto ng nagdaang bagyo. Naapektuhan ang mga pananim at sabi din nila ay hindi ito ang panahon ng anihan.
Ang ibig sabihin pala nito ay... natural lang ang pagtataas ng presyo ng mga bilihin.
Ang isang bagay lang ang hindi na normal ang pagtaas ay... ang HEIGHT ^_^
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento