Ang sarap gumising lalo na kung may makabuluhang bagay kang gagawin.
Araw ng Sabado, ika-6 ng Hulyo, nakahanda na ang sasakyang jeep na aming gagamitin para sa misyon namin ng araw na iyon.
Kasama ang aking ina at kapatid, maging ang iba pang mga kaibigan ay nagtungo kami sa bayan ng Indang sa Cavite.
Kasama ang kaibigang matagal ng nawalay, aming sinimulan ang paglalakbay para sa natatanging misyon ng araw na iyon.
Nagtitipon-tipon ang bawat isang makikilahok sa aktibidad na iyon:
Isa-isang dumampot ng mahiwagang sandata,
Ni hindi alintana ang kainitan ng araw. Tanging mababakas sa mga mukha ay ngiti, saya at kasiglahan sa iisang kabatirang may gagawin ang lahat na kapaki-pakinabang.
Habang abala sa paghahanda ay abala rin ang halos lahat sa pagkuha ng mga larawang magpapaalala sa tanging araw na maituturing na isang dakilang gawain hindi lamang sa sangkatauhan kundi para na rin sa Inang Kalikasan.
Dama mong may kaisahan bagama't hindi magkakakilala, napansin kong nagngingitian kapag nagkakasalubungan.
Nakakahawa ang kasiglahan na pumapailanlang.
Ang sabi nga nila, ang lahat kaya mong gawin kapag gusto mo ang isang bagay. Kaya naman hindi alintana maging ng kababaihan kahit na lumusot pa sa ilalim ng bakod.
Ang daan pababa ng sapa ay madulas lalo na kung umuulan. Mabuti na lamang at maaraw ng umagang iyon.
Agad mong mapapansin ang malaking puno na ito na tila ba siya ang nakatalagang bumati sa mga taong parating.
Pinakiusapan ko ang aking nanay para makita kung gaano ito talaga kalaki:
Nagpatuloy kami sa paglalakad pababa ng sapa.
At naghanap ng lugar kung saan maaring magtanim.
Ang paghuhukay ay tila madali lang kung iisipin. Ngunit kung dalawang patpat lamang ang iyong gamit ay may kahirapan. Kailangan ng pwersa kaya nakaramdam ng bahagyang pangangatog ang aking mga binti, dala marahil ng hindi nakakaranas ng ehersisyo.
At dumating ang sandali, na ang mumunting bagay na ito ay bibigyang layang lumago...
Ang lahat ay abala sa kanilang pagtatanim.
Matapos naming magtanim, naisipan naming libutin ang lugar, tingnan kung ano pa ang gandang taglay ng lugar na ito.
Maganda ang lugar na ito, maraming mayayabong na mga puno, may malinis na tubig na kung saan maaaring ipanglaba o ipampaligo. Hindi nga lang maaring inumin dahil walang kasiguruhan ang kalinisan nito, hindi tulad ng bukal sa paanan ng bundok Talamitam sa Batangas kung saan doon kami kumuha ng aming iinumin nung umakyat kami : http://blognipoclay.blogspot.com/2013/05/conquer-mt-talamitam.html
Mainam kung ang lugar na ito ay malilinis.
Kakaiba ang ganda ng lugar at simoy ng hangin.
Nakakalungkot lang na nadadamay ang kalikasan sa kakulangan ng mga tao.
Ngunit kailangan ng umuwi, ang misyon sa araw na ito ay magtanim. Sana sa susunod, ang magiging misyon naman ay ang kalinisan ng isang lugar, kung hindi man yamang lupa ay yamang tubig.
Hanggang sa susunod na aktibidad, magiging KAISA kami ;)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento