Miyerkules, Nobyembre 6, 2013

Ang Chorva?


* Unang Tagpo *

Sa meeting...
 
Sales Manager : Hindi maganda ang result ng October para sa'ten. Hindi natin nakuha nating target     last month.
Kaya bumawi tayo ngayong buwan. Lalo na 'yung mga urgent kailangang mai-deliver. 'Yung para nga pala sa [company name] kailangang-kailangan nila 'yung......

...  isang mahabang katahimikan. Napatingin ang S.M. sa akin.

Sales Manager : Uhmmm... 'yung CHURVA.

Wahahhaha! * tawa much *

Sales Manager : Si Glezie kasi eh  nakakahawa.

Ako pa nga ang nasisi.
***************************************
***************************************

* Ikalawang Tagpo *

Ako: Sir, 'yun bang para kay [company name] ipapa-GORA na?
Sales Manager: Oo, i-GORA mo na ng bongga!

Wahahaha!

Ang Boss namin nahawa na ng ka-chorvahan ^_^

Martes, Nobyembre 5, 2013

Lihis na Tawag...

Ilang araw mula ngayon ako sana ay abala sa pag-iisip ng natatanging bagay na sa iyo ay magpapaligaya.

Ang araw na tayo ay nanuod ng pelikulang pinamagatang "Real Steel".
Ang puso ko ay hindi naging singtigas ng bakal na ito, at wala akong nasabi kundi "OO".
Bilang kapalit, ang iyong labi sa aking palad ay pumagkit.
Ang bawat kilos ay dikta lamang ng pagkakataon at hindi ng tinatawag nila sa Ingles na "Affection".

Alam ko at alam mo na ang simula ay may katapusan lalo na at ang ating puso ay walang unawaan.
Kailan nga ba tayo huling nag-text? Kailan tayo nagtanungan ng kamusta? Hindi nga ba't kay tagal na.
Walang unawaan ngunit alam natin parehong iyon na ang katapusan.
Hindi na kailangan pa ng mahabang usapan, hindi na rin kailangan na sa atin ay harapang ipaalam na ang relasyong walang pag-ibig at malalim na damdamin ay hindi kailanman magtatagal.

Ngunit tila ba ikaw ay isang bata, ang sabi nga nila "kung umarte ka para kang teenager".
Sa dalawang pagkakataon na sinubukan mong ma-contact ang number ko na wala kang intensyong hintaying masagot ko natatawa na lang ako.
Dalawang bagay ang sa isip ko ay dumalaw:
1. Sinukan mong i-dial ang number ko para malaman na active pa ang number ko. Pero para ano?
2. Sinubukan ng bagong girlfriend mo na i-dial ang number ko para malaman kung ano ang magiging reaction ko. Matuwa ka binibini pagkat ang dilag na ito sa iyong eskorte ay wala ng paghahangad.

Ang ganitong aktuwasyon para sa aking ay matatawag kong... KARUWAGAN.

Bakit hindi mo subukang harapin kung ano ang katotohanan at itanong mo ang iyong nais malaman?
At hindi lahat ng babae ay nagkakaloob ng kanilang sarili sa lalakeng hindi hinihintay ang basbas ng pagkakasal.


Huwebes, Oktubre 31, 2013

Baguio City, Me Time... (Part 2)

MINE'S VIEW PARK.

Like a kid who saw her favorite candy in her most favorite place, what could I ask for?

Ako ay tila ba isang batang kulang na lang may maglulundag sa tuwa ng ganap kong masilayan ang piling pagkakataong hindi pwedeng palitan ng salapi.

Hindi ko na alintana ang katotohanang hindi ko magagawang manatili at magmasid sa viewing deck ng park dahil kasalukuyang isinasaayos ito.
Hindi nasayang ang ginawa kong pagmamadali masilayan lamang ang kagandahang aking natatanaw.

Bahagyang nakakakilig ang lamig ng halik ng hangin sa akin. Masarap sa pakiramdam.
Hindi ko alam kung ano ang itsura ko, pero ang mga manong na nakakakita sa akin ay napapangiti.
Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin.

Matapos mag-recharge ng cellphone at ubusin ang masarap na Hawaiian sandwich ay sumakay ako ng jeep patungo sa The Mansion.

WRIGHT PARK.
Hindi ako naibaba ni kuya sa The Mansion kaya pumara na lang ako sa Wright Park kung saan abot-tanaw ang mga kabayong inihahanda ng kanilang mga amo para sa araw na iyon.

Malamig ang hangin bagama't sumikat na ang haring araw.
Nakakakilig na nakakapangilabot ang halik ng hangin na dumadampi sa akin.
Tanging ibon at kuliglig lamang ang maingay at ang paminsan-minsang daing ng mga nagja-jogging.
Pinili kong umupo sa pusod ng parke at magsulat.
Ngunit gusto kong palayain ang aking isip kaya inihinto ko ang pagsusulat at tumulala.
Ipinikit ko ng marahan ang aking mga mata. Hindi ko naiwasang makiramdam sa mga taong nasa paligid ko, ngunit agad kong sinaway ang sarili ko dahil nais kong lumaya pansamantala sa mga alalahanin.
Mahabang katahimikan......, ngunit hindi sa kahimbingang tulad ng isang natutulog.
Gising na gising pa rin ang aking kamalayan. Idinilat ko ang aking mga mata at naglakad.
Pinagmasdan ang mayabang at matayog na mga puno.
Naglakad pabalik kung saan ako bumaba mula sa jeep at tinalunton ang daan papunta sa Botanical Garden. Masarap maglakad bagama't sikat na ang araw ay hindi pa rin nadadaig ang lamig ng hangin.

BOTANICAL GARDEN.
Naisip kong kunan ng larawan ang mga nakikita ko. Nangiti ako ng makita ko ang rebulto na tinawag namin ni Bunso na "Machete" sa dahilang may kulay na siya, hindi gaya ng ipakilala ko siya kina Mama na kupas na itim ang kulay niya.
Nakatanggap ako ng text messages patungkol sa aking mga responsibilidad. Maraming mga aktibidad na nakalatag at alam kong hindi ko ito dapat ipagwalang bahala.
Mas naisip kong ipakalat ang mensaheng natanggap ko kaya huminto ako at nag-text.
Hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko para maglibot dahil sa isipin kaya minarapat ko na lang na umalis at magtungo sa 50's Diner para kumain.
Ang lugar ay tulad ng nasa mga nababasa kong blog. Wala kong maisip kainin dahil hindi pa rin ako nakararamdam ng gutom.  Pinili ko ng Mama's Kid dahil may libre na itong iced tea at mura. Mataas ang expectation ko sa lasa ng pagkain nila, kaya ng ihain na ang order ko ay... nabitin ako sa lasa.
Inaantok na ako, kaya matapos kong kumain ay naglakad ako. Alam kong malapit lang ang Upstairs Bed and Bath sa lugar kaya nilakad ko na lang.

UPSTAIRS BED AND BATH.
Naisip kong matulog muna ng hapong iyon at gumising kung kailan palubog na ang araw upang mamasdan ang kaniyang kagandahan.
Ngunit nabigo ako, ibinalik ko sa pagkakahiga ang aking katawan. Pinabigyan ko ang pakiusap nyang magpahinga na  muna ako. Hindi ko kailangan pilitin ang sarili ko kaya naman nagkasya na lamang ako sa pagtulala sa bintana.

Maayos ang kama, mabango ang mga sheets at pillow cases.
Ngunit dinig mula sa napili kong kwarto ang tunog ng mga sasakyan sa labas. Medyo mahina ang tubig lalo na sa pag-flush. Kailangan ng tulong ng timba at tabo. Walang pribadong paliguan at palikuran. Ngunit ang shower nila ay may heater.

Umalis ako para maghapunan.

CAFE BY THE RUINS.
Ang isa sa pinakaaabangan tagpo ko... na-miss ko ang Rizal's Tsokolate. Hindi ako binigo sa lasa kaya hindi ko alintana kung magkano ang presyo ng pagkain. Ang sabi nga nila, "Sulit!"
Gusto ko ang ambiance, nakadagdag sa romantikong aura ang kandila sa mesa at mga bulaklak na bagama't hindi na sariwa ay maganda pa rin.

BURNHAM PARK.
Matapos kong kumain ay naglakad-lakad ako sa Burnham Park.
Minasdan ang pagsayaw ng mga tubig sa parke sa saliw ng mga ilaw.
Marami ang mga taong naglisaw at kumukuha ng larawan.
Bagama't nakalulungkot mag-isa masarap pa ring umupo ng tahimik at masdan ang mga ilaw at tanawin.
Ng maulinigan kong nagiging tampulan na ako ng usapan dahil ako ay mag-isa lang ay naisipan kong maglakad tungo sa Harrison Road. Buhay na buhay ang lugar lalo na kung palalim na ang gabi dahil sa mala-pyestang Ukay-Ukay.
Umupo ako kasama ng mga tindera habang humihigop ng mainit na kape.
Nang maubos ko ay napagpasyahan kong bumalik na at matulog.

Kinabukasan, matapos umusal ng panalangin ay nagtungo na ako sa terminal.

Kailangan ko ng umuwi dahil kailangan tumugon ako sa panawagan ng aking mga obligasyon.

Masaya ako bagama't ilang oras lang ay naranasan ko ang ganito.




Baguio City, Me Time...(Part 1)

"Ma, alis na 'ko..." sa magkahalong kaba at excitement ay halos patakbo akong naglakad palabas ng bahay.

Bagama't pagod dahil sa stress na dulot ng hapong nagdaan, pilit kong tinago ang gumuguhit na ngiti sa aking labi.
Mabilis ang kabog ng aking dibdib, nalilito na 'ko kung dahil ba sa natatakot ako o hindi ko mapigilan ang saya na sa unang pagkakataon magagawa ko ang bagay na gusto ko ng mag-isa.

Matapos matulungan ang magandang babae sa ulatan ay sumibat na akong papunta sa sakayan ng tricycle.
Hindi ako makakain, bunga ng halo-halong emosyon kaya bumili na lang ako ng siopao at malamig na maiinom.

Naghintay ng may ilang minuto ngunit hindi aabot ng isang oras. "Kuya dadaan po ba kayo ng Victory Liner?"
"Wala naman tayong ibang dadaanan kundi Cubao", sabay ngiting sagot ng kundoktor.
Basag! :)

Hindi ko magawang umidlip habang nasa byahe.
Tangan ang isang bag na hiram ko kay Bunso. Kinain ko ang bili kong siopao. Parang hindi pa rin ako gutom, pero kailangan kong kumain. Malayo-layo pa ang byahe.

"O, Miss Victory Liner na," sabi ng kundoktor.

"Tumawid ka dyan sa over pass, pagtawid mo lakad ka ng konti 'yun na 'yon," ang pagbibigay-alam ng driver. Hindi ko masabing alam ko na kung ano ang gagawin ko dahil dati ng nakapunta ako dito, sa halip ay sumagot ako ng "Maraming salamat po mga kuya" sabay baba.

10:53PM ng maitapak ko ang aking mga paa sa tapat ng Victory Liner.
Agad kong binuksan ang aking bag para sa inspection ng gwardiya.
Pumila upang magbayad ng ticket.

'"Yan pong bus na nasa tapat ang byahe pa-Baguio ng 11:00PM. D'yan po kayo sumakay", ang magalang na sabi sa aking ng teller.

10:58PM ng umandar na ang makina ng bus bilang hudyat na magsisimula na ang aming mahabang byahe.

Pagising-gising ako tuwing hihinto ang bus dahil iniisip kong baka may umupo na sa tabi ko, ngunit hanggang sa masilayan ko ang mala-bituing nagkikinangang mga ilaw ay wala akong katabi.
4:54AM ng masilayan ko ang tila ba mga talang isinaboy sa tuktok ng matayog na bundok. Napunit ang malapad na ngiti sa aking mga labi pagkat alam kong ako ay nasa Baguio na. Kumabog ang dibdib ko dala ng excitement dahil ilang sandali na lamang ay tatapak na ang mga paa ko sa lupain kung tawagin ko ay Happy Land.

5:07AM ng ganap kong maitapak ang aking mga paa sa lupain matagal ko ng gustong balikan.

Hinahanap ng aking sikmura ang mainit na inumin, ngunit sa aking pagkabigo ay wala nito sa terminal.

Lumabas ako ng terminal, naglakad ng konti. Hanggang makita ko ang isang convenient store. Tamang-tama dahil lowbat na ang battery ng cellphone ko. Walang mainit na tubig kaya nagtiyaga ako sa pagkain ng doughnut. Kumain ako habang nagtsa-charge.

Bigla ang kabang aking naramdaman ng pagsilip ko sa labas ay magbubukang liwayway na.
Sa mabilisang paglakad ay tinungo ko ang taxi na nakita ko at nakisuyong ihatid ako sa Mine's View Park.

Ganap na 6:04AM ng bumaba ako ng taxi. Maliwanag na kaya lalo ko pang binilisan ang aking mga hakbang. Alam kong nababadha sa aking mukha ang pag-aalala na hindi ko masilayan ang pagsikat ng haring araw.

Ngunit napawi ang lahat ng ang mga ito ay aking nakita:
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828315212654&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828355212650&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828408545978&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828481879304&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828621879290&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater
https://www.facebook.com/?sk=welcome#!/photo.php?fbid=1416828658545953&set=pb.100006564973167.-2207520000.1383109496.&type=3&theater

Pasensya na po sa inyo pero talagang hindi na kayang makapag-upload ng mga pictures...



Martes, Setyembre 10, 2013

Para Kanino Nga Ba?

Krrruggg...! Krrruggg...!

Nakabibingi ang tunog ng sikmura ko. Masakit na rin ang ulo ko. Totoo nga atang magkaugnay ang utak at ang bituka. Hindi na rin halos pumapasok ng maayos sa isip ko ang mga bagay na inuutos ng boss sa akin. Hindi ko alam bakit hindi na ko makasagot ng maayos.

LUTANG. Ito pala ang pakiramdam ng isang taong nagugutom.

Dalawang instant noodles at anim na pirasong tinapay na pinaghatian ng limang tao para sa hapunan, hanggang anong oras kaya ito tatagal?

"Aaaahh....." Mabuti na lamang ang mainit na likidong dumaloy mula sa aking bibig, dumaan sa aking lalamunan hanggang bumaba sa nagwawala kong sikmura. KAPE. Malaking tulong para sa mga taong walang mailaman sa sikmura. Bigla akong natulala, may kape at asukal pa ba sa bahay. Nag-alala ang kalooban ko at nag-panic ang walang lamang pitaka ko dahil wala ni piso akong naibigay sa aking ina kanina.

Labing dalawang piso, ito na lamang ang laman ng pitaka ko. Namanhid ang isip ko at ako ay natulala.

Hapon na, wala na nga palang kape. Mainit na tubig na lang.

Madilim na sa labas, uwian na naman. Nakakatakot isipin kung ano ang dadatnan ko sa bahay.

"Reys... may one hundred pesos ka ba? Kailangan kasi ng pamasahe ng kapatid ko. Sensya na ah...babalik ko 'pag sweldo".

"Salamat talaga". Sabay abot ng perang kulang ube.

"Kuya, paangkas ako ah, wala kasi kong pamasahe. Salamat." Mabilis ang ginawa kong pagsakay, para hindi na s'ya makatanggi pa. Buti na lang ang bahay nila ay malapit lang sa amin.

"Tao po!"

"Bunso, eto one hundred, kasya na ba 'yan para bukas? Maghapon ba kayo?"

"Ayos na 'yan 'te. Mapagkakasya na 'yan, may magic ang bulsa ko 'di ba?" Kasabay ng isang ngiti.

"Ay ate, wala ang cellphone ko, kinuha muna ng Teacher namin para i-check. Mino-monitor kasi nila baka  kung ano na ang meron, at kung ano na ang pinaggagawa namin."

"Baka kung ano ang mahuli sa'yo doon ah."

"Wala naman 'te, good boy na 'ko. Ate, ang "No need" ba eh sentence?"

"Oo, kasi complete thought and meaning na 'yun eh, tulad ng "Run!" o kaya "Fire!""

"Ah..tama ka ah, galing ng Ate ko ah."

Mabuti na lang nag-aaral na ng tunay na aral ang kapatid ko. Hindi mauunawaan ng Teacher Raul n'ya kung bakit tulad ng sabi niya ay mabagal ang learning process ni Bunso. Ito ay dahil hindi naman talaga s'ya nag-aaral mula nuong Elementarya hanggang High School. Madalas na laman ng mga computer shop at kasama ng mga barkada ang bunso namin, kaya kahit para sa kanya ay slow learner si Bunso, para sa'ken isa na s'ya magaling na estudyante.

Para akong isang magulang na pinagbibidahan ng anak tungkol sa kanyang natutunan sa paaralan. Masarap sa pakiramdam. Napawi ang pagal ng aking isip at katawan. Napalitan ng kasiglahan at kagalakan. Ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang. Hindi ko na inaalintana kung maghirap pa ako, o magutom. Patuloy kong itataguyod ang pag-aaral ng kapatid ko at ang pangangailangan ng mga magulang ko.

Naalala ko bigla ang isang patalastas sa telebisyon, ang tanong na "Para kanino ka bumabangon?"

Sila, sila ang dahilan ng aking pagbangon. Kahit pagod na akong gumising sa umaga, kahit na wala akong mailaman sa t'yan kung para sa kanila, ipagpapatuloy ko. Sa aking kapatid na nag-aaral, sa aking mga magulang na nasa dapi't hapon na ng kanilang buhay. Walang kapalit, pero ipagpapatuloy ko...

Miyerkules, Setyembre 4, 2013

Tipid na Ulam 2

I still got a terrible problem with  my g-accounts... this is the reason why I didn't post anything for awhile.

I am not really happy about it.

I'm not here for my sentiments, I just wanted to share the viand that I believe could help those who are in tight budget ^_^

Kung ikaw ang sumusuporta sa pangangailangan ng pamilya at nagpapa-aral, ang gastusin ay...NAKAKALOKA!

Sa ngayon napansin ko hindi pa din nagbabago ang presyo ng pechay, as of today September 5, 2013 nanatiling Php5.00 ang presyo nito.

Pasarapin natin ang gulay na ito.

Kung may nakatago kang harina sa bahay, pwede mong gamitin ito pero pwede din namang hindi.

Kung tawagin namin ito ay Pechay Tempura. Mula sa titulo alam kong may idea na kayo.

Batihin ang itlog at lagyan ito ng asin para lumasa. Maari rin namang dagdagan ng harina.
I-dip o i-sawsaw ang dahon ng pechay tulad ng nasa larawan:

At i-prito sa kumukulong mantika:
 
Paalala lamang, madaling maluto ang mga gulay kaya 'wag sana tayong malibang kung ayaw nating matusta ang ating gulay.

At...
 
Ang masarap na partner nito ay ang manamis-namis na toyo na mejo maanghang.

Pero na ibinaon ko s'ya, ang partner n'ya ay... ADOBONG ITLOG!

 


Oo, tama nga, adobo pero itlog lang. Walang karne. Hmmm...tipid na din 'di ba? May sawsawan na para sa pechay tempura may itlog pang source of protein.

Ang nagastos ko para dito ay:

2 tali ng pechay - Php10.00
3 itlog                - Php14.00 (Php14/3pcs)
Harina                - Php5.00 (optional)
Mantika             - Php8.00

Ang suma total ng nagastos ko ay Php37.00 para sa limang (5) tao.

Hmmm... kung ang adobong itlog naman ay ito:

3 itlog               - Php14.00 (Php14/3pcs)
toyo                  -Php3.00
suka                  -Php3.00
sibuyas             -Php1.00

Ang kabuuang halaga ay Php21.00 para sa tatlong tao. Mainam din ang lasa kung ang gagamitin ay kalamansi sa halip na suka at para manamis-namis ay lagyan ito ng asukal.


Lunes, Agosto 26, 2013

After the Rain Beauty

It's been raining so hard these past few days, we have to blame typhoon and southwest monsoon.
Like deja vu, southwest monsoon took lives and properties of my fellow Filipino.
 
But it was different scenario last yesterday, August 26, 2013.
It was sunny and warm. And really love it. I enjoy the warm feeling brought by the sunlight.
 
 
While many of the Filipino TAX payer like me held a meet up at the Luneta Park in Manila, I decided to roam around our small backyard, which I always do especially when I'm at home and doesn't have any schedule.
 
Upon wandering, I saw these beauties. The bark of the mango tree have given me a gift. This beautiful thing gave me a lighter feeling and my lips break a smile.
Looking at them stopped my brain from thinking, where do these "gentlemen and women" put TAXes I paid. 
 
 
 
There are so many things that could bring us sorrow and pain and make things difficult. But there are small and humble things that could make us smile and lighten up these burden in their small and simple but special way.
 
Looking forward for the next surprise that our small backyard this week, I cannot wait to unwrap it.